Pinay champion weightlifter, mas mahaba na ang oras sa training dahil sa Cash Agad
Champion Weightlifter Rosegie Ramos |
MARAMING mga batang atleta ang sumusunod sa yapak ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo sa larangan ng weightlifting. Isa na dito si Rosegie Ramos, isang 18-anyos na grade 10 student ng Mampang National High School, na tulad ni Hidilyn ay tubong Mampang, Zamboanga rin.
Kamakailan lang ay humakot ng tatlong gintong medalya si Rosegie sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships na ginanap sa Tashkent City, Uzbekistan. Nagrehistro siya ng best score sa snatch (71kg.), clean and jerk (90kg.), at total (161kg.) para mamayagpag sa Junior division category ng nasabing paligsahan. Bago rito, nag-uwi rin si Rosegie, ng bronze medal sa women’s 49kg. category ng weightlifting mula sa Southeast Asian Games na ginanap sa Vietnam noong Mayo.
Isang pagsubok para kay Rosegie ang pag-balanse ng kanyang pag-eensayo bilang atleta at ang kanyang pag-aaral bilang estudyante. Kaya’t malaki ang pasasalamat niya sa pagkakaroon ng BDO Cash Agad sa kanilang lugar dahil nakakatulong ito para mapabilis at mapadali ang pag-withdraw nya ng kinakailangang cash.
"Nung wala pa po ang BDO Cash Agad dito, bumibiyahe pa po ako nang 30 minutes para lang makapunta sa town para makapag-withdraw. Minsan ginagabi pa po ako. Ngayon andito na ang BDO Cash Agad, nagpapasalamat po ako kay ate Hidilyn na hindi ko na kailangan bumiyahe ng 30 minutes, menos gastos po." kwento ni Rosegie.
Ngayon, kailangan lamang pumunta ni Rosegie sa Hidilyn Diaz Gym na malapit sa kaniyang bahay sa Mampang para makapag-withdraw ng cash dahil isa na itong ganap na Cash Agad partner-agent. Pinatayo ni Hidilyn ang gym para magsilbing training facility sa mga nangangarap na maging champion weightlifter tulad niya at ni Rosegie, at para sa iba pang health and sports enthusiasts sa lugar nila.
"Nabanggit nga ng coach ko na nagkaroon ng Cash Agad dito sa gym ni Ate Hidi. Napaka convenient po sa akin saka hindi delikado, five minutes away lang po sa amin pag naka motor ako," dagdag ni Rosegie.
Nagbukas na rin ng savings account si Rosegie sa BDO Network Bank bilang paghahanda sa kanyang kinabukasan.
"Thirteen years old pa lang ako, sumasabak na 'ko sa mga weighlifting competition. Noong nagsimula na akong manalo, nakakapag-ipon na rin ako mula sa winnings ko. May ATM ako dahil National Team member ako. Nag-open na rin ako ng savings account sa BDO Network Bank. Gusto kong makapag-ipon para na rin sa future ko." ani Rosegie.
Gamit ang ATM cards ng BDO Unibank, BDO Kabayan Savings, BDO Network Bank, at iba pang local banks, maaaring mag-withdraw sa Cash Agad point-of-sale (POS) terminal sa gym ni Hidilyn Diaz at iba pang mga negosyo na Cash Agad partner-agent tulad ng sari-sari store, water refilling stations, mini-groceries.
Dahil sa Cash Agad, hindi na kailangan pang bumiyahe ng mga ATM cardholders nang sobrang layo at gumastos pa para sa pamasahe papunta sa bangko o ATM sa siyudad para lamang makapag-withdraw ng cash. (PR)
0 comments: